Ang Halik

Paggunita sa Buwan ng Wika
Isa sa mga tula na nilikha ni Auntie Lydia at Auntie Naty


May nagsasabing 
Ang halik ng tao
Ay isang pagkaing
Lutong paraiso
At ang iba naman
Ay lutong impyerno!
Di ko alam dito ang totoo

Ang halik ng Intsik
Ay pahigop laway'y
Pisngi'y ginagawang
Mangkok ng nilugaw

Ngunit tayong Pilipino
ni hindi pasup-sup
ni hindi pasip-sip
Kung di pahalalik
Paamoy pasinghut.

Ang halik sa sinta'y
Pag asang dakila
ito'y hinihingi
Sa isang munting bata.
Ngunit sa isang dalagang matanda
Ang halik ay isang pagkakawang gawa.

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Back
to top