"Ang Nakalipas Na Kahapon"

Ang tula na ito ay i-sinulat ng aming mga minamahal: Auntie NATY at Auntie LYDIA

"Ang Nakalipas Na Kahapon"

I.

Nang Ikaw ay musmos pa namasdan ng iyong magulang
Nagtatanong ang puso sa duyan ng panaginipan.
Ano kayang kapalaran ng anak kong minamahal
Ito kayay maging mutya o isang pintas sa Talisay.
 
II.
 
At ng ikay nagumpisa sa mababang paaralan
Ang talino mo ay nabunyag sa baling magaaral.
Kaya ikaw ay magtapos ang diploma ay hawakan
Ang palakpak na inabot ay hindi magkaamayaw.
 

III.
 
Ng ikaw ay nariyan na sa mataas na paaralan
Ang balana’y humahanga sa ganda mot kabaitan
Hindi lamang sa talino, kundi sa kababaan.
Kaya naman ang binatay nangingin na manligaw.
 
 
 
IV.
 
Kung gabing sumasapit ang gabi ng pagdiriwang
Lahat kayoy magsasaya mga Pinoy mga Pinay
Ang lakas ng mga tugtog halos hindi magkamayaw
Mayroong nagiinom at mayroon din nagsasayaw.
 
 
V.
 
Lumilipas ang magdamag hindi nila nalalaman
Palibhasa ang diwa niya ay puno ng kasiyahan
Kaya naman paguwi sa sarili mong tahanan
Nanlalambot ang sarili patang pata ang katawan.
 

VI.

Kung araw na linggo maaga ka sa simbahan
Tahimik kang nakaluhod  taimtim kang nagdarasal.
O Diyos ko.  Bakit kaya ang pagibig ay hindi ko nararanasan?
Ang umibig at ibigin ng lalaking nagmamahal.
 
 

VII.
 
Lumipas ang mga araw mga Linggot mga buwan,
Sa poras ng kalindaryo nalagas na ang mga tangkay.
Sa pagharap mo sa salamin sa sariliy napagmasdan.
Nabakas mong nawawa ang sigla ng kabataan.
 

 
VIII.

Sa buhay ay dumarating sa ayaw mo at sa gusto
Na nalipas itong taon.  Tumatanda tayong tao
Ang araw ang nagging saya, nagging lungkot sa buhay mo
Ay hindi na mababawi talak ito sa puso mo.
 

IX.

Dumarating na ang sandali dapat ikaw ay magretire.
Tatanggap ka ng salapi saan ito ilalaan?
Wala ka namang baby na iduduyan at kakantahan
Kung ikaw ay naglalambing walang asawang tatawagan.
 

X.

Ngayong ikay nagiisip kung saan ka mananahan
Kung sa bansang America o sa bansang tinubuan
Ang mabuo sa sarili babalik ka sa ating bayan.
Lahat silay magsasaya, lahat silay magdiriwang.
 
 
XI.

Kung sumapit ang sandaling America ay iiwan
Welcome ka sa Pilipinas
Bayani ka sa Talisay.

XII.
 
At ako ay magwawakas o mahal kong kaibigan
Tanggapin mo di man dapat ang tula kong inialay
Ngayon gabi sa sarili kay Bathala idinarasal.
Patnubayan ka lagi ng magandang kapalaran.

(Pinaglabanan monument)

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Back
to top